Sunday , December 22 2024
Michael Mike Rama

Suspensiyon kinuwestiyon  
HUSTISYA IGINIIT NI RAMA

“HUSTISYA!”

Ito ang panawagan ni suspended Cebu City Mayor Michael “Mike” Rama ukol sa kasong isinampa sa kanya na aniya’y walang sapat na basehan at hanggang ngayon ay wala pang aksiyon ang pamahalaan.

Nagtataka si Rama, dahil sa kabila na siya ay inakusahan at naglabas ng kautusan ang Korte na siya ay suspendehin, ay wala umano siyang natatanggap at nakukuhang kopya ng reklamo at desisyon.

Iginiit ni Rama na ilang beses nang nagtangkang kumuha ng kopya ng reklamo at desisyon ang kanyang mga abogado sa mismong tanggapan ng Ombudsman sa Maynila at sa kanilang rehiyon ngunit walang naibibigay na kopya para sa kanila.

“Mukhang ako lang yata ang inakusahan na hindi man lamang alam at maliwanag na hindi batid ang akusasyon at ang desisyon laban sa akin lalo na’t ilang buwan na ang nakalilipas buhat nang maglabas ng desisyon na ako ay sinuspende,” ani Rama.

Kaugnay nito, nanawagan si Rama sa mga tulad niyang politiko na biktima ng kawalan ng hustisya sa bansa na magsama-sama upang magsampa ng law suit para papanagutin ang nasa likod ng kawalan ng hustisya laban sa kanila.

Tumanggi si Rama na direktang sabihin na siya ay isa sa mga biktima ng ‘political persecution’ ngunit base sa kanyang karanasan ay tila biktima nga siya.

Si Rama ay kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at matapos na dumalo sa pagtitipon ng mga Duterte sa prayer rally sa Davao ay lumabas ang desisyon ng Ombudsman na anim-na-buwang preventive suspension dahil sa hindi pagpapasuweldo sa ilang mga empleyado ng Cebu City.

Ayaw iugnay ni Rama ang pakikipag-alyado niya sa mga Duterte ngunit umaasa siya na makakamit ang hustisya sa huli.

Tiniyak ni Rama na gagawin lahat ng kanyang legal team upang mapawalang sala sa akusasyon laban sa kanya.

Samantala, handang sundin ni Rama ang naging desisyon ng League of Cities of the Philippines (LCP) na italaga muna si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasalukuyang Vice President ng LCP na maging acting president hangga’t siya ay suspendido.

Ayon kay Rama handa siyang i-turnover ang lahat kay Belmonte, mga dokumento at pananalapi ng samahan.

Walang balak si Rama na kuwestiyonin ang naging desisyon ng National Executive Board ng LCP dahil ayaw na niyang dumagdag sa maraming problema ng bayan na mas higit na dapat harapin para sa mga mamamayan.

Aminado si Rama na ang desisyon ng LCP ay nakatulong upang higit niyang mabigyan ng panahon ang kasong inihain laban sa kanya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Rama na handa siyang tumakbo sa 2025 national at local elections at maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Oktubre.

Sa huli, sinabi ni Rama na kanyang kokonsultahin ang kanyang mga mamamayan sa Cebu City kung gusto pa ba nila siya ay manungkulan bilang mayor ng Cebu o kailangan na niyang magpahinga.

Ang resulta nito ay maaaring maging hudyat para tumakbo siya sa mas mataas na puwesto at ito ay ang pagiging senador. 

Sa kasalukuyan, ayaw pa itong pag-usapan ni Rama dahil lubhang maaga pa umano at ang nais niyang tutukan ang kaso na isinampa laban sa kanya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …