Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan 2

Jennylyn sobrang nagpapasalamat  maging parte ng Beautederm family

MATABIL
ni John Fontanilla

SA wakas ay nagsalita na si Jennylyn Mercado kaugnay sa bali-balitang lilipat ito sa ABS CBN.

Sa contract signing at bonggang launching nito bilang newest ambassador ng Beautederm na ginanap sa Solaire North Quezon City  kamakailan ay sinabi nito na mananatili pa rin siyang Kapuso at walang paglipat na magaganap.

Ayon kay Jennylyn, “Ang daming nag-aantay ng sagot na ‘Lilipat ba?’ ganyan. Ako naman po, eh, 20 years na po akong Kapuso and I’m very thankful na hanggang ngayon po, eh, ako po’y Kapuso pa rin.” 

Dagdag pa nito, “Mayroon pong mga nine-nego (negotiate), pero mabilis na lang po ‘yan.

“We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin ako na maging Kapuso basta gusto pa rin nila ‘ko, ‘di ba?” 

Sa ngayon ay freelancer si Jennylyn at waiting na lang sa magiging resulta ng negotiation between GMA at sa kanyang management.

Wala rin siyang natatanggap na offer mula sa ABS CBN o sa ibang network.

Sobrang saya ni Jennylyn na maging official ambassador ng newest facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums — the Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty, and Cristaux Retinol at nagpapasalamat sa CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan

“Happy ako, parati kong sinasabi na masaya akong maging part ng family ng Beautederm.

“Ngayon ko na feel kung gaano  ka-warm si ate Rei, alagang-alaga kaming lahat.”

Ibinahagi rin ni Jennylyn ang aabangan sa kanya ng mga tagahanga.

“’Yung movie at ‘yung album under Star Music.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …