Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration
NAGKAMAY sina Immigration Commissioner Norman Tansingco at Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco sa paglulunsad ng Cruise Visa Waiver Program nitong 16 Hulyo 2024 sa TIEZA Multi-Purpose Hall.

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang programang “cruise visa waiver” upang maiwasan ang abala sa pagpasok ng mga turista sa kanilang pagbabakasyon sa bansa sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan.

          Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco,  ang cruise visa waiver program ay isang paraan para suportahan ang kanilang layunin na gawing “cruise hub of Asia” ang Filipinas sa pamamagitan ng hassle-free entry for tourists, na makatutulong din para itaas ang tourism sector ng bansa.

Itinatag ng BI ang cruise visa waiver program sa pamamagitan ng Immigration Memorandum Circular 2024-001 inisyu noong 25 Enero at inaprobahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nong 14 Marso.

         Ipatutupad ang programa sa mahigpit na superbisyon ng Bay Service Section sa ilalim ni Bay Service Chief Alnazib A. Decampong.

         Sa pamamagitan ng programa, ang mga dayuhan ay darating at aalis sa pamamagitan ng cruise ship, sa pasilitasyon ng BI-accredited cruise tour operator

at ang passport ay may bisa sa loob ng anim na buwan, sa pinakamaikling panahon, mula petsa ng pagdating ,” ani Decampong.

Ang cruise visa waiver ay “non-convertible and non-extendable” at makikita sa

e-services.immigration.gov.ph.

“This partnership… will lead to a simplified and streamlined visa processing for cruise visitors, which will definitely be a key factor in boosting the country’s tourism economy,” anang DOJ sa kanilang pahayag.

Sinuportahan ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang programa lalo’t sinsalamin nito na ang Filipinas ay isang bansa o lugar na madaling puntahan, mapagtanggap, at kaakit-akit sa mundo.

“It is imperative for us to fully harness the potential of our destinations, as well as to open up opportunities to all of our region’s provinces, cities and municipalities,” dagdag ng Tourism Secretary.

         Inaasahan ng DOT at BI na magiging abala ang 117 daungan sa bansa para sa magdaragsaang cruise ships ngayong 2o24 na maaaring magpasok ng 118,000 pasahero. (EDWIN ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Edwin Alcala

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …