NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) upang tugunan ang programang pabahay ng pamahalaan para sa mga Filipino na wala pang sariling bahay sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa inilunsad na press briefing, sinabi ni FEHI business partner Mogs Angeles, handa ang kanilang kompanya na kumuha ng mamumuhunan sa ibang bansa para tulungan ang local government units (LGUs) na maisagawa ang programang pabahay ng pamahalaan.
Ani Angeles, ang LGUs ang tutukoy ng lugar na pagtatayuan ng mga housing project at ang pondo ay mangagagaling sa ibang bansa sa pamamagitan ng tulong ng FEHI.
Dahil dito nagpasalamat at natuwa ang ilang mga alkalde at mga kinatawan ng lungsod na dumalo sa naturang press conference.
Kabilang sa mga dumalong LGUs ay mula sa Laguna, Cavite, Batangas, Bicol, Bataan at Iba pang mga lalawigan.
Naniniwala ang mga dumalo sa naturang pulong balitaan na may kinalaman ang ilang kilalang suppliers at contractors sa bansa na handang makipagtulungan sa mga LGU.
Binigyang-diin ni Angeles, handa kahit anong oras ang kanilang kompanyang FEHI sa mga nais maisakatuparan ang programang pabahay sa kanilang nasasakupan.
Aniya, kahit anong oras ay handa ang kompanyang FEHI sa mga LGU na nais lumagda sa isang kasunduan.
Umaasa si Angeles na ang programang ito ng kanilang kompanyang FEHI ay makatutulong upang mabawasan ang backlogs sa pabahay ng pamahalaan. (NIÑO ACLAN)