Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEX
ni Jun Nardo

HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi ng stage habang rumarampa sa GMA Gala 2024 nitong weekend.

Hindi nakatingin si Herlene sa nilalakaran kaya bigla na lang nawala siya sa paningin ng nanonood sa kanya.

Agad namang tumakbo si Barbie sa kinaroroonan ni Herlene para tulungan bago siya tinulungan ng iba.

Ilan sa nakaw-eksena sa GMA Gala ay ang escort ni Kyline Alcantara na si Kobe Paras  pero nilinaw ng  player na friends lang sila at ang presence ni Kai Sotto na escort ng isang Sparkle artist habang sa gown naman ay kay Sanya Lopez na nag-magic sa suot na gown mula sa itim eh naging white, huh.

At si Jillian Ward naman, may design na hugis puso ang bandang bahagi ng boobs na malaki, huh!

Dumalo rin sa GMA Gala ang ilan sa hosts ng It’s Showtime led by Vice Ganda.

Walang masyadong baguhan kaya hindi na kumalat ang suot nila sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …