Monday , December 23 2024
21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

IPINADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang 21 Mobile Primary Clinics sa 21 lalawigan sa Gitna at Hilagang Luzon.

Naunang ipinagkaloob ang tig-iisang unit nito sa pitong mga lalawigan ng Gitnang Luzon na tinanggap ni Gob. Daniel Fernando ang para sa Bulacan mula sa Unang Ginang.

Kasabay nito ang mga Mobile Primary Clinics para sa Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, at Aurora.

Ipinahayag ng gobernador na akmang-akmang ang pagkakaloob ng mga unit na ito upang lalong mapaigting ang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga sitio ng 572 barangay sa Bulacan.

Sinundan ito ng 14 pang Mobile Primary Clinics na tig-iisang natanggap ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Batanes, Cagayan, Isabela, at Quirino.

Isa itong Japanese-brand na Toyota Coaster 2024 model na isinailalim sa reconfiguration upang makapagsagawa ng laboratory examinations, doctor consultations, at makapagkaloob ng libreng gamot sa mga pasyente.

Mayroon itong mga kasangkapan gaya ng modern diagnostic equipment, mobile digital X-ray machine, ultrasound machine, hematology analyzer para sa blood tests, binocular microscope, ophthalmoscope para sa eye tests, lab-grade refrigerator, at telemedicine.

Bahagi ito ng 83 Mobile Primary Clinics na ipinamamahagi ng Department of Health (DOH) sa bawat lalawigan na pinondohan ng Office of the President sa halagang P10 milyon ang bawat isa.

Para kay Batanes Governor Marilou Cayco, iikot ang natanggap na Mobile Primary Clinics sa Basco, Mahatao, Ibana, at Uyugan na ibabase sa mga paaralan at mga munisipyo.

Aniya, malaking bagay ito upang mas maabot ang mga Filipino na naninirahan sa dulong hilaga ng bansa.

Samantala, sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, ang Mobile Primary Clinics ay inspirasyon ng Unang Ginang mula sa kanyang proyekto na Lab For All, na mas inilalapit sa pinakakaraniwang tao sa iba’t ibang panig ng bansa ang mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …