NATAKDANG ilunsad ngayong araw, 3 Hulyo, ng lungsod ng Makati ang isang mobile library o book mobile.
Ayon sa Makati LGU, ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng national children’s book day na may may temang “Ang kuwento na dala ng book mobile sa makabagong panahon: tara nang magbasa nang sama-sama.”
Ang Book Mobile sa Barangay ay lilibot para palaganapin ang pagmamahal sa pagbabasa at mapalawak ang edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang materyales at aktibidad.
Layon din nitong itaguyod ang kamalayan sa kultura sa pamamagitan ng mga kuwento at aklat. (NIÑO ACLAN)