Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAIA arrest

Akusado arestado sa NAIA Terminal 3

INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) at PNP Aviation Security Group ang isang paalis na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 patungong Osaka, Japan.

Sa report ng AVSEGROUP, nag-ugat ang pag-aresto sa 32-anyos lalaking pasahero, residente sa Pasay City, sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Vernard V. Quijano, ng RTC, Judicial Region, Branch 123 ng Biñan City, Laguna, may petsang 23 Enero 2024 dahil sa kasong rape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-ATCU ang suspek sa Camp Crame, habang hinihintay ang legal na paglilitis kaugnay ng kinakaharap niyang kaso na walang inirekomendang piyansa ang korte.

Samantala pinuri ni Avsegroup Director Christopher N. Abrahano, ang mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa paliparan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …