I-FLEX
ni Jun Nardo
KAHIT anti-climactic, pinuri pa rin si Ruffa Gutierrez sa pagkompirma sa relasyon nila ni Herbert Bautista.
Eh aprubado naman sa mga anak ni Ruffa si Herbert na nakilala na rin nila kaya wala nang dahilan para idenay ang relasyon.
Sa isang vlog ng isang female newscaster nagsalita si Ruffa. Kahit na nga matagal na ang espekulasyon na may relasyon siya kay Herbert, natapos na rin ang haka-haka.
Naku, teenager pa lang si Ruffa na gumagawa ng movies sa Viva Films eh type na siya ni Herbert. ‘Yun nga lang, that time, sa dating actor na si Dennis da Silva na-in love si Rufing!
Never na umamin sa amin si Bistek sa relasyon nila ni Ruffa dahil puro palusot ang sagot niya sa amin.
Well, maging maayos at masaya sana sina Ruffa at Herbert sa kanilang relasyon, huh.