MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato na ipinost niya sa social media.
Sa Instagram Story ay shinare ni Andrea ang clip ng pagpapagulong-gulong niya habang umiiyak nang makompirma na napansin ni Sek Yea-ji (yeyeji_seo) ang mga larawan niya.
Ayon sa aktres, hindi lang isa kundi limang litrato niya ang pinusuan ng, It’s Okay to Not Be Okay star.
Hindi makapaniwala ng aktres na mapapansin siya ng kanyang idolo.
“Hindi ‘to totoo. Hindi ‘to totoo,” paulit-ulit niyang sinabi.