Tuesday , June 18 2024
Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond Law last June 10.

Simple pero memorable ang naging pagsi- selebra ng kaarawan nito kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanilang tahanan.

Ayon kay Charles, “Sa house lang po  ako nag celebrate ng birthday with my family and nag-surprise visit po ‘yung friends ko here sa village and brought some pizza and cake.”

Wish nga nito sa kanyang kaarawan ay good health para sa kanyang mga mahal sa buhay at magkaroon ng magandang career at mabigyan ng mga challenging role.

Alam n’yo po people asked me the same question today  and napa-isip po ako  ano ba talaga ‘yung wish ko.  At honestly po I’m so blessed with family that supports me in all aspects mapa-personal or career wise.

“So wish ko po really is not for me but for my whole family to continue good health para they can stay with me ng matagal na panahon specifically my parents and siblings po.

Sa career  naman po siguro is ‘yung mabigyan po ako ng isang challenging role kinda like ‘yung role po ni Freddie Highmore sa ‘The Good Doctor.’”

Ilan sa mga projects na ginawa nito ang  Penduko  with Matteo Guidicelli and Kylie Versoza at Dearly Beloved with Baron Geisler, Cristine Reyes na parehong napapanood ngayon sa Netflix.

About John Fontanilla

Check Also

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …

Willie Revillame Wowowin Will To Win

Willie emosyonal sa pagbabu sa Wowowin, Will To Win bagong titulo ng show

I-FLEXni Jun Nardo MASAKIT sa loob na binitiwan na ni Willie Revillame ang dating title ng show …

nora aunor

Fans ni Nora nag-ampalaya (Sa pagkalaglag sa The EDDYS) 

HATAWANni Ed de Leon ANG pait ninyo, ampalayang-ampalaya. Matapos na hindi mapasama sa nomination ng The …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Rhea Tan kokoronahan susunod na Ms. Beautéderm sa Bb. Pilipinas 2024, mga kandidata na-inspire sa kanyang success story

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang kanilang naging partnership last year, kaya naman masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na …