I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKING tulong para sa Jukebox Queen na si Imelda Papin ang karanasan niya bilang Vice Governor ng isang probinsiya sa Bicolandia.
Bagong talaga ngayon si former VG Mel na bagong director ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ngayong Lunes ang simula ng panunungkulan ni Director Mel sa PCSO. Kaya naman noong makausap siya ng media last Saturday, sinabi niyang gagawin niya ang planong Isang Linggong Serbisyo para mapabilis ang pagdulog sa PCSO ng kailangang financial assistance na na patterned sa awitin niyang Isang Linggong Pag-ibig.
Bukod dito, paiiralin n Director Mel ang transparency sa agency lalo na pagdating sa winners ng LOTTO.
“So tumaya na kayo ng lotto at magkakaroon ng pagbabago at transparency!” bulalas ni Director Mel sa meet and greet niya with the entertainment press.