I-FLEX
ni Jun Nardo
NGANGA sa pangako ng isang beauty queen na umaarte rin sa TV paminsan-minsan nang lapitan ng isang TV reporter para humingi ng schedule ng interview.
Eh dahil nakitang may camera na dala, nagsabi ang beauty queen na sasabihan niya ang kanyang handler na tawagan siya para sa schedule.
Lumipas ang one week, one month hanggang sa natapos na sa ginagawang TV show ang beauty queen. Pero ang pobreng TV reporter, walang natanggap na tawag mula sa handler ng beauty queen para sa schedule niya.
Sa buwisit, isinumpa ng TV reporter ang beauty queen at hindi na iinterbyuhin