Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Beauty queen panandalian lang ang kasikatan

I-FLEX
ni Jun Nardo

WINNER ng isa sa major titles ang napanalunan ng isang beauty queen nang sumali ito. Malakas ang dating niya kaya naman sa international pageant na sinalihan, bongga ang title na naiuwi niya.

Pero noong kasikatan ng beauty queen, hindi na raw kagandahan ang kanyang ugali. Sa isang event na pinuntahan niya bilang bahagi ng kanyang resposibilidad, umiral ang pangit niyang ugali.

Eh sa lugar ng event, ‘yung dadaanan niya eh maraming tao. Ayaw daw niya ng ganoon.

Kaya naman hindi agad siya lumabas at noong nabawasan na ang tao, at saka lang siya lumabas ng stage sa daanang walang masyadong tao.

No wonder, after her reign, at sinalihang international pageant, short lived lang ang kasikatan niya.  Hindi na siya inabalang muli ng organizers at walang nagkainteres na dalhin siya sa showbiz.

Pamilyar ang name niya dahil hindi ordinaryo ang surname niya na hindi naman foreigner, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …