PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BONGGANG-BONGGA ang ginanap na ‘unboxing’ ceremony ng mWell, ang health app ng Metro Pacific Corporation kamakailan sa Grand Hyatt Hotel sa BGC.
Feeling bilyonaryo talaga kami lalo’t ang mga kilalang who’s who sa industriya ang mga naimbitahan ng MVP group sa pamumuno ni Mr Manny V. Pangilinan at ng kanyang super woman top executive na si Madam Chaye Cabal-Revilla.
Namataan namin ang mga celebrity gaya nina Dra. Vicky Belo kasama si Hayden Kho, Alice Eduardo, mga kilalang doktor, health care people, government officials, at marami pang iba.
Nagmistula ring showbiz event ang okasyon dahil ang mga entertainer na Kapamilya namin sa Gabay Guro ng Smart-PLDT ay nag-perform sa imbitasyon nga ni Madam Chaye.
Naroon sina Martin Nievera, Jed Madela, Mark Bautista, Klarisse de Guzman, Jona, Bituin Escalante, at ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Sina Markki Stroemm at Iza Calzado naman ang naging program hosts.
Inilunsad din sa event ang new generation mWell watches. Bongga ang relo dahil may kakayahan itong mag-track ng workouts at ibang physical activities at overall wellness, sa presyong very affordable.
Mayroon itong 100 exercise modes, at kapasidad na i-monitor ang heart rate at kahit ang blood oxygen levels. Saan ka pa?
At may bonggang ‘mWell Rings’ pa. Kapag ipinareha mo ito sa mWell app, keri rin nitong i-monitor ang mga importanteng health metrics, including heart rate, heart rate variability, resting heart rate and average oxygen saturation. Malaki rin ang benepisyo ng naturang “precious RING” ‘ika nga ni Regine sa pagkakaroon ng balanse at maayos na pagtulog.
Bisitahin na ang mWell app sa inyong mga phone at internet gadgets para sa mas bonggang kalusugan at kagandahan.