I-FLEX
ni Jun Nardo
BUGBOG na katawan at mga pasa sa braso at binti ang natikman ni Marian Rivera sa shooting ng Cinemalaya movie niyang Balota.
Sa interview kay Marian ni MJ Marfori ng TV 5, deglamourized at pahirap ang naranasan niya sa shooting ng movie.
“Marami kaming eksena na panay ang takbo ko. Ito na marahil ang pinakamahirap na movie ko na nagawa. Pero nagpapasalamat ako at sa akin ito ibinigay kahit nakakapanibago ang mga eksena ko,” pahayag ni Marian.
Ito ang unang Cinemalaya movie ni Marian na tiyak gagawa ng ingay sa indiefest.