Sunday , December 22 2024

PDEA agent Morales ikinulong sa senado

NAKAKULONG ngayon sa senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales matapos mag-move si Senador Jinggoy Estrada ng “cite of contempt” laban sa una.

Ayon kay Estrada, ang patuloy na pagsisinungaling ni Morales ang dahilan kung bakit siya nagmosyon.

Naniniwala si Estrada na hindi nagsasabi ng buong katotohanan si Morales sa simula pa lamang ng mga nakaraang pagdinig hanggang sa huli.

Matapos ang mosyon ni Estrada at walang tumutol sa mga miyembro ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinumununan ni Senador Ronal “Bato” Dela Rosa ay agad inaksiyonan ang mosyon.

Dahil dito iniutos ni Dela Rosa pamunuan ng Sargent at Arms (OSSA) ang agarang pagkulong sa isa sa kuwarto ng senado na malapit sa parking lot ng mga VIP sa gusali ng senado.

Hindi batid kung hanggang kailan mananatiling nakakulong sa senado si Morales lalo na’t hindi rin batid kung kailan ang susunod na pagdinig. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …