Sunday , December 22 2024

Minamadaling prangkisa ng Meralco kaduda-duda — Consumers’ group

052124 Hataw Frontpage

NAGDUDUDA at nababahala ang isang consumer group sa tila minamadaling maagang renewal ng prangkisa ng   Manila Electric Company (Meralco) kahit sa 2028 po ito mapapaso o mawawalan ng bisa.

Ayon sa United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), hindi angkop sa panahong ito ang panukala lalo na’t marami ang reklamo ukol sa patuloy na pagtaas ng singil sa koryente.

Sinabi ni Rodolfo Javellana, Jr., UFCC president, ang hakbanging ito ng ilang mambabatas na isulong ang maagang pagre-renew ng prangkisa ng Meralco, kahit apat na taon mula ngayon bago mapaso, ay pabor lamang Meralco at hindi sa consumers.

“They are now conditioning the mindset of the public,” ani Javellana na ang adbokasiya ng grupo ay para sa kapakanan ng mga consumer at naghain ng ilang mga reklamo sa Energy Regulatory Commission (ERC) laban sa Meralco dahil sa alegasyong ‘over charging’.

Tinukoy ni Javellana, batay sa pahayag ni  Albay Rep. Joey Salceda na ang pagre-renew sa prangkisa ng Meralco  ay maganda sa ekonomiya na itinuturing niyang isang ‘mind conditioning’.

“Congressman Salceda probably forgot that it is proper to ask first Meralco consumers if they are happy with the service provided by Meralco,” giit ni Javellana.

Si Salceda ang pangunahing may akda ng House Bill No. 9793 na humihiling ng dagdag na 25 taong prangkisa sa Meralco sa kabila na sa 2028 pa ito mawawalan ng bisa.

Binigyang-linaw ni Javellana ang pangunahing awtor ng naturang panukala ay malinaw na hindi dumaraan sa tamang proseso na dapay ay magkaroon ng konsultasyon sa mga consumer na hindi maaaring isantabi.

“It seems that they are not looking at a democratic consultation for the public for us to have a real voice and representation. For the UFCC, it is important for consumers to have a say in the matter,” dagdag ni Javellana.

Nanindigan si Javellana, imbes ang maagang pagre-renew ng prangkisa ang intindihin ng mambabatas ay maiging suriin muna ang performance at mga reklamong inihain sa ERC.

“On the part of the ERC, did it conduct a so-called ‘thorough audit’ for Meralco’s performance? When we say thorough audit, this will determine whether Meralco made excessive charge for its services,” paglilinaw ni Javellana.

Binigyang-diin ni Javellana, sa sandaling mapatunayan na mayroong overcharge ay mabuti pang ibasura ang panukalang maagang pagre-renew ng prangkisa ng Meralco.

Dahil dito, aniya, marapat na ibalik ang kontrol sa pamahalaan at bawiin ang prangkisang ipinagkaloob ng kongreso.

“As long as oligarchs have control of power generation, transmission, and distribution, the government and all electric consumers in the country are hostage to their control,” anang UFCC president.

Pinuna ni Javellana ang tila pagiging empleyado at acting spokesperson/s ng ilang mambabatas para sa Meralco sa pagsusulong ng interes nito kaysa kapakanan ng consumers.

“I don’t know whether they are sucking up or trying to get into the good side of these giant corporations and I also don’t know whether the coming elections have something to do with this. All I know is that it is the wrong tune to sing for the early renewal of the Meralco franchise,” pagwawakas ni Javellana. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …