NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga concern agency ng pamahalaan ng agarang magbigay ng agarang alternatibong kabuhayan sa mga libo-libong jeepney drivers na nawalan ng kabuhayan kaugnay ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ayon kay Poe, ang mga training at trabahong oportunidad sa kanila ay dapat na matiyak na available, accessible, at flexible lalo sa mga tsuper.
“Hindi lang libo-libong jeepney ang nakatambay ngayon sa mga garahe at kalsada, pati na ang mga driver nila na tiyak naghahagilap na ng mapagkakakitaan para may maipakain sa pamilya,” giit ni Poe.
Binigyang-diin ni Poe kung gaano itinutulak ang PUVMP ay dapat ganoon katindi ang pagpapatupad na mabigyan ng proteksiyon ang mga tsuper at mga operators na lubhang apektado ng programa ng pamahalan.
“We also call on the LTFRB to address the commuters’ complaints about the lack of PUVs in a number of routes since the threat of apprehension on the unconsolidated jeepneys started,” dagdag ni Poe.
Paglilinaw ni Poe, dahil sa unconsolidated jeepneys sa 313 ruta sa Metro Manila ay tiyak na sapat ang mga sasakyan sa lansangan para sa mga commuters ngunit kung ito ay magkukulang dahil sa programa ng pamahalaan dapat itong matugunan at mapaghandaan. (NIÑO ACLAN)