MATABIL
ni John Fontanilla
AFTER a month ay tumabo na sa 36k ang stream ng newest song ni Denin Sy entitled Wag Mo na Siyang Balikan.
Ang Wag Mo na Siyang Balikan ay isang heart break song na talaga namang maraming Pinoy ang makare-relate.
Post nga nito sa kanyang FB, “Thank u sa mga tunay na sumusuporta. After a month 36k streams & Fr 3k to 20k monthly listeners na tyo. Thank u Spotify for ur platform. #DeninSy #wagmonasiyangbalikan.”
At ngayon ay mapapanood na rin sa Youtube ang music video ng kanyang song na pinagbibidahan nina Kyuso at Jaja na base sa totoong pangyayari na idinirehe ni John Selirio.
At sa May18 ay iri-release na ang kanyang debut album kasabay ng konsiyerto sa
PIT88 Restobar, Gil Fernando Ave. Marikina City.