INANGKIN ni Fil-Moroccan Yacine Guermali ang pinakaunang gintong medalyang nakataya sa pagbubukas ng 2024 ICTSI Philippine Athletics Championships na ginanap sa Philsports Oval (dating Ultra) sa Pasig City nitong Miyerkoles, 8 Mayo.
Nasilayan agad ng husay si Guermali dahil simula pa lamang ng labanan hanggang katapusan ay nanguna siya sa 5,000 run.
Na-overlap ni Guermali ang halos kabuuan ng 58 kasali bago tinapos ang distansiya sa mabagal nitong tiyempro na 14:18.83 minuto tungo sa dominanteng pagwawagi sa kanyang pinakaunang pagsabak sa torneo na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa magiting na pamumuno nina PATAFA President Terry Capistrano at PATAFA secretary-general Jasper Tanhueco sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission-PSC.
“My hard work paid off,” sabi ng 24-anyos na Fil-Morrocan student athlete Guermali na katatapos lang ng kolehiyo sa Gonzaga University.
“It feels good, good run today, so beautiful,” na umaasang tuluyang makakamit ang pagiging miyembro ng national squad matapos na hindi makompleto ang proseso dahil sa kanyang pag-aaral at paglalaro sa US NCAA Division I.
“I am still waiting for more information on that, but I am just so happy to be here and competing for the first time here. It is a tough event no matter what the climate is,” sabi ni Guermali, may hawak ng national record na 13:50.74 na itinala sa OSU High Performance Meet sa Corvallis, Oregon, USA.
Sa taong ito, nakamit ni Guermali ang 3rd national record sa kanyang unang pagtakbo sa indoor event ng men’s 1000-meter run.
Sa five-day event, masisilayan ang event na hinati sa tatlong kategorya, ang Elite/Open Men and Women -20 years old and above (athletes born in the year 2004 and below), U20-Boys and Girls (athletes born in the years 2006 and 2005) at U-18 Boys and Girls (athletes born in the years 2007 and 2011).
Ang ICTSI-Philippine Athletics Championships ay suportado ng International Container Terminal Services, Inc. Foundation, MILO Philippines, CEL Logistics Inc., Pocari Sweat Philippines, SIP Purified Water, Wireless Link Technologies Inc. (WLTI), United Auctioneers Inc., Masiv Sports, Victory Liner, AAI Worldwide Logistics, Inc at Filam Sports. (MARLON BERNARDINO)