Sunday , December 22 2024
customs BOC

Kung walang sampol, anti-smuggling act na batas walang saysay — AGAP Solon

NANINIWALA si AGAP Partylist Rep. Nick Briones na walang saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng mga agricultural products sa bansa kung walang masasampolan sa mga nahuhuling smuggler, hoarder, profiteer, at cartel.

Ayon kay Briones, magpapatuloy pa rin ang mga ilegal na gawain dahil may mga sangkot o nagtatanggol sa kanilang mga opisyal at ang iba’y nakaupo pa sa gobyerno.

Giit ng mambabatas, walang nangyari sa naipasang anti-agricultural smuggling act dahil may mga probisyon dito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel na ang pangunahing tagapagpatupad ay ang Bureau of Customs (BoC).

Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan nang lubos ang mga magsasaka gayondin ang mga consumer kaya gumawa sila ng panibagong batas na tatanggalin ang BoC bilang miyembro ng national council at enforcement group.

Sinabi ni Briones, hindi kasama ang BoC sa mga magsasagawa ng imbestigasyon, manghuhuli, at magsasampa ng kaso laban sa mga smuggler dahil lumalabas na ang ilan sa kanila ay mga kasabwat. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …