Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen. Bong Revilla 6 buwan pa bago makatayo – Rep. Lani

IBINUNYAG ni Bacoor Rep. Lani Revilla, anim na buwan pa bago tuluyang makalakad ang kanyang asawang si Senador Ramon Revilla, Jr., matapos sumailalim sa isang operasyon sa paa, 16 araw na ang nakalilipas.

Sa kaslaukuyan ay sumasailalim sa therapy ang lalaking Revilla, pero pagkatapos ng anim na buwan ay isusunod ang kanyang kakayahang lumundag at tumakbo.

Aminado si Revilla, sobrang excited na ang kanyang asawang senador na magsilbi nang personal sa mga mamamayang Filipino gayondin ang paggawa ng pelikula ngunit kailangan niyang magtiis.

Nagpapasalamat ang mag-asawang Revilla na pinayagan ang senador ng liderato ng senado na makadalo sa mga sesyon at committee hearing sa pamamagitan ng zoom at online lalo na’t nakapagtala ang senador ng perfect attendance.

Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan ay ipinarating ng kongresista ang panawagan ng kanyang asawang senador sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ngayon pa lamang ay paghandaan na ang pagdating ng La Niña.

Kabilang sa tinukoy ni Revilla ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga kanal,  at iba pang lugar na madalas bahain gayondin ang mga  landslide prone area.

Naniniwala si Revilla, kung magiging handa ang ating pamahalaan ay tiyak na maiiwasan ang pagbaha at anomang uri ng sakuna dulot ng La Niña.

Nagpapasalamat ang pamilya Revilla sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanilang kaligtasan lalo sa tuluyang paggaling ng senador.

Pabiro ngang sinabi ng kongresista, si Tolome ay bantay sarado ni Gloria kahit wala siya sa tahanan habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Samantala si Rep. Revilla ang dumalo sa pagdaraos ng anibersaryo ng Universal Guardians Brotherhood na ginanap sa Marikina Sport Center bilang kinatawan ng senador.

Dito ay tiniyak ni Revilla na kaisa nila ang kanyang kapamilya sa pagsusulong ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …