Tuesday , April 29 2025
Subic International Triathlon

Australian, S. Korean nanguna sa Subic International Triathlon tournament

SUBIC BAY, OLONGAPO CITY.– Nakopo  ng Australian na si Luke Bate ang Sprint men elite title ng 2024 Subic Bay International Triathlon (SuBIT) noong Sabado. Naorasan ang 25 anyos mula sa Perth na 54 minuto at 25 segundo sa karera ng 750m swim, 20km bike at 5km run sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Freeport Boardwalk.

Ang kababayan na si Christopher Deegan ay nagtala ng 54:32 para sa ikalawang puwesto habang pangatlo si Amu Omuro ng Japan (54:38).

Ang mga Australian na sina Rory Thornhill (54:48) at Jack Chrome (55:00) ay pang-apat at panglima, na sinundan ng Japanese na sina Satoshi Iwamoto (55:13), Hokuto Obara, (55:28) at Kenshin Mori. (55:34); Korean Kim Jusin (55:41); at Australian Samuel Mileham (55:47).

Ang Cebuano na si Andrew Kim Remolino, na medalist sa South East Asian (SEA) Games, ang pinakamagaling na finisher sa mga lokal. Ngrehistro siya ng 56:09 para sa ika-13 puwesto, habang ang ka-probinsya na si Matthew Justine Hermosa ay nagsumite ng (56:38) sapat sa ika-16 na puwesto.

Si Joshua Ramos ng Baguio Benguet Triathlon (56:53) ay ika-19, at ang Filipino-Spanish na si Fernando Jose Casares, isang two-time SEAG gold winner, ay ika-23 sa oras na 57:44.

Ang South Korean na si Jeong Hye Rim, 25 anyos ng Daejon City dating bronze medalist sa junior divsion ng 2016 ITU World Triathlon Grand Final sa Conzumel, Mexico ay nagrehistro ng 1:01:22 para angkinin ang Sprint women’s elite title sa inilargang NTT Asian Triathlon na inorganisa ng Triathlon Philippines sa pakikipagtulungan ng SBMA at may suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nakuha ni Edda Hannesdottir ng Iceland may oras na (1:01:32) ang pilak na medalya habang si Chloe Bateup ng Australia (1:01:47) naman ang nakakuha ng bronze.

Si Martina Ayu Pratiwi ng Indonesia na orasan ng (1:02:11) ay pang-apat kasunod si Manami Hayashi ng Japan (1:02:15), Filipino Raven Faith Alcoseba (1:02:20), Guam’s Manami Iijima (1:02:31), Japan’s Himeka Sato (1:02:38), at Kim Gyuri ng South Korea (1:03:19) at Kim Ji Yeon (1:03:50).

Sa junior elite category, ang top three finishers sa men’s division ay sina Dayshaun Karl Ramos (1:02:05), Juan Miguel Tayag (1:02:40), at Darell Johnson (1:03:22).

Ang mga nagwagi sa women’s division ay sina Naomi Felicity Aytin (1:18:42), Edellaine Mae Diggs (1:18:36), at Maria Celinda Raagas (1:19:05).Ang SuBIT ay ang longest-running Olympic distance triathlon sa Asia. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …