I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS isangkot sa Bea Alonzo at Dominic Roque na kanyang itinaggi, ang pagpatol naman sa indecent proposal ang ibinabato kay Angeli Khang.
Idinenay ito ni Angeli at never daw siyang pumatol kahit na sa sexy movies siya unang napanood.
Eh hindi natin masisisi si Angeli na batuhin ng intriga lalo na’t napapanood na siya sa free TV via GMA’s Black Rider.
Kung noon eh adults ang kanyang viewers, this time mas marami nang kabataan ang nakakapanood sa kanya dahil sa series.
Isa si Angeli sa may ibubuga sa aktingan kaya naman siya ang napili para sa role niya sa action serye na ipinantatapat kay Ivana Alawi sa Ang Batang Quiapo, huh!