I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife.
Eh kahit may paandar si Luis Manzano na umamin na si Paulo sa kanyang vlog na guest ang aktor, bigo ang nakapanood sa guesting ni Paulo dahil hindi umamin na may nililigawan, huh.
Naku, eversince magsimula sa showbiz, tikom pagdating sa babae si Paulo. Kaya naman nagulat ang lahat nang mabuntis si LJ Reyes at nagkaroon ng anak.
Pumasok din si Janine Gutierrez sa mundo ni Paulo. Naglaho na lang ng parang bula ang pagli-link sa kanila nang matapos ang proyekto nila.
Ngayon ay kay Kim Chiu naman inirereto si Paulo. May series kasi na sila ang bida.
After ng series, tapos na rin tiyak ang pagsi-ship sa kanila, huh! Or, hiwalay na sila!