MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-UUMAPAW sa kasiyahan at ‘di naiwasang maiyak ng celebrity businesswoman & philanthropist na si Cecille Bravo nang tangapin ang Humanity Award, ang pinakamataas na award na iginawad sa 5th Philippine Faces of Success 2024, 1st Philippine Trending Brand 2024, at 1st Philippine Fashion Pillars Award 2024 na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan, kamakailan.
Hindi inakala ni Madam Cecille na igagawad sa kanya ang kauna-unahang Humanity Award na ayon sa founder and president nitong si Richard Hiñola, ibinibigay nila ang award sa isang individual na buong pusong tumutulong at bukas ang palad sa mga taong nangangailangan.
Masaya rin si Madam Cecille, dahil bukod sa kanya ay tumanggap din ng award ang kanilang kompanya ni Mr Pete Bravo, ang Intele Builders and Development and Corporation, ang kanilang mga anak na sina Miguel at Maricris at Ka-Fam na sina Ima Castro, Sephy Francisco, Jovan Dela Cruz, Raymund Saul, at John Janna Chu Chu Fontanilla.
Ilan sa namataan naming tumanggap din ng award sina Joel Cruz (Aficionado Germany Perfume), Sheryl Cruz, Pops Fernandez, Jobel Dayrit, at D Grind Dancers, Tin Tin Bersola, Julius Babao, Pao Chief Persida Acosta, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Lito Gruet, Elwood Perez, Sandro Muhlach, Hannah Arnold, Hannah Precillas, Joee Guilas, Gerone Olorocissimo, Lhar Santiago, Charo Laude, Rob Gomez, Barbie Arcache, Arnell Ignacio, Odette Khan, Cye Soriano, Kathy Noya, Oskar Peralda, Johnny Abad, Amir Sali,Pebbles De Asis, Hon. Kate Coseteng atbp..