Friday , November 15 2024

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

042424 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN 

SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) dahil sa sinabing perhuwisyong idinulot ng dalawang araw na transport strike sa lungsod.

Ang mga ikinaso ng QCPD laban sa Manibela ay ang tatlong bilang ng mga paglabag sa B.P. 880 (Public Assembly Act of 1985);  Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandal);   Article 151 ng RPC (Resistance and Disobedience), at Direct Assault Upon an Agent of Person in Authority.

Kabilang sa mga sasampahan ng kaso ay sina Mario S. Valbuena, Chairperson, Manibela; Regie Manlapig, Presidente, Manibela; Jasmine Bordalba Demition, rehistradong may-ari ng white conquest na ginamit noong rally; Pacifico Dasalla Martin, Jr., may-ari ng Starex Van; at ilang hindi pinangalanang indibiduwal na sangkot sa pagmamaneho ng mga PUJ sa panahon ng protesta.

Binigyang-diin ng QCPD, sobrang abala at perhuwisyo sa mga motorista at pasahero ang ginawa ng Manibela nang harangan nito ng 70 jeepneys at 600 miyembro nila ang Commonwealth, East at Quezon avenues noong 15 Abril sa isinagawa nilang transport strike.

Wala umanong permit ang Manibela sa kanilang ikinasang kilos-protesa at binalewala ang pakiusap sa kanila ng mga awtoridad na lumipat ng Freedom Park.

Samantala, ayon kay Valbuena, tinawag nilang panggigipit ang ikinaso laban sa kanila ng QCPD.

Aniya, ang mga pulis ang humarang sa kanila na nagresulta para sila ay huminto kaya naapektohan ang trapiko partikular sa Commonwealth Ave., sa lungsod.

Gayonpaman, giit ng pinuno ng Manibela, wala pa umano silang natatanggap na kopya ng reklamo.

Ang Manibela group sa pamumuno ni Vabuena, ay nag-organisa ng isang rally at protesta noong 15-16 Abril 2024, na tumututol sa PUV phase-out program ng gobyerno.

Una nang iginiit ng grupo na ipagpapatuloy nila ang mga kilos-protesta hanggang sa katapusan ng Mayo.

About Almar Danguilan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …