MATABIL
ni John Fontanilla
TATLO sa mahusay na teen actors ng Star Magic ang mapapanood sa romantic drama movie na When Magic Hurts—Beaver Magtalas, Mutya Orquia, at Maxine Trinidad na idinirehe ni Gabby Ramos, hatid ng REMS Entertainment Production.
Kasama rin sa pelikula sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Aryanna Barretto, Archie Adamos, Angelica Jones, Aileen Papin at marami pang iba.
‘Di matatawaran ang husay nina Beaver na napaka-guwapo sa personal at sa screen, Maxine at Mutya na pare-parehong nagpakilig at nagpaiyak sa mga nanood ng special screening ng When Magic Hurts.
Gandang-ganda rin kami sa flower farm ng Atok, Benguet na after watching the film ay parang gustong-gusto mong bumiyahe at pumunta sa Benguet para makita at ma-experience ang ganda ng flower farm at iba pang lugar.
Mapapanood ang When The Magic Hurts sa May 22, written and directed by Gabby Ramos.