MATABIL
ni John Fontanilla
BUSY year para sa Borracho Films ang 2024 dahil tatlong malalaking pelikula ang kanilang gagawin.
Isa na ang pelikulang One Dinner A week na pagbibidahan ni Edu Manzano, Spring In Prague na ang ilang eksena ay kinunan sa ibang bansa, at ang The Life Story of a Senator Gringo Honasan na isa sa mga artistang napipisil para gumanap bilang Gringo Honasan si Jake Cuenca.
Ayon nga kay Sec. Gringo, magiging laman ng kanyang pelikula ang buhay politiko, personal na buhay, at buhay bilang military atbp..
At kasabay ng updates ng mga pelikulang gagawin, ipinakilala nito ang pitong bagong artista nila sina Nica Balmes, Aviegale Castillo, Zelene Dion, Elle Fernandez co- managed with Bambbie Fuentez and Tine Ariola, Khai Flores, Sean Rival na anak ng action star na si Jeric Raval, Jesy Vidal, at Stella Blanca.