I-FLEX
ni Jun Nardo
FULL blast ang Regal Entertainment ngayong 2024 dahil tatlong projects ang naka-line up nitong gawin.
Pangungunahan ito ng Lovi Poe movie na Guilty Pleasure at makakasama niya rito sina JM de Guzman at Jameson Blake. Si Connie Macatuno ang director.
Ang isa pang project ay ang Janella Salvador at Jane de Leon movie na How To Be A Good Wife na si Jun Lana ang director. Nagsama ang dalawa sa huling Darna bilang Valentina at Darna.
Ang isa pang movie ay pagbibidahan ng loveteam nina Seth Fedelin at Francine Diaz. Ito ay ang My Future You na ididirehe ni Crisanto Aquino.
Sa mga sinehan ipalalabas ang tatlong Regal movies na ‘to.