PERSONAL na magpamahagi ng mga handheld radio si Dagupan Outpost Supervisor PCMS Gerardo Tubera sa kanyang mga kasamahan sa naturang prisinto, ito ay upang kanyang matiyak na ang ang bawat isang miyembro ng prisinto ay striktong sumusunod sa programa at direktiba ni newly installed CPNP General Rommel Francisco D Marbil.
Matatandaan na kabilang sa unang marching order ni CPNP General Marbil ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa oras ng duty. Bagay na agad sinunod ng liderrato ni MPD Station 2 commander PLTCOL Gilbert Cruz at Dagupan Outpost PCMS Tubera.
Ang direktibang ito ni CPNP General Marbil ay tila lubos na pinaboran ng mga netizens dahil ito anila ay para sa mas epektibo at kalidad na serbisyo (BRIAN BILASANO)