I-FLEX
ni Jun Nardo
MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo.
Eh kahit nakatira na sa isang condo, pumupunta pa rin si Mikee sa Holy Trinity Church kapag good Friday para makipagprusisyon sandali.
Laking Sampaloc si Mikee kaya naman ang Quintos family ang laging may panata tuwing Holy Week. Ang Virgin Mary na gamit sa Biyernes Santo ay inaayusan at dinadamitan ng Quintos famly na isinasama sa prusisyon.
Ang Birhen Maria rin ng Quintos family ang ginagamit tuwing Easter Sunday Salubong.
Noong isang taon sa Good Friday procession, kasama ni Mikee ang boyfriend na si Paul Salas na nag-ilaw sa prusisyon.
Ngayong Friday kaya makita naming muli sina Mikee at Paul kasama ang Quintos family?