PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie niya under Viva Films kasama si Cristine Reyes.
Kilalang intense actor si Baron, pero sa naturang movie na showing na sa March 30, tila binago niya ang kanyang style.
Whether sinadya man ‘yun o ‘yun ang gusto ni direk Marla Ancheta, still the movie is very good lalo’t lumutang muli ang galing ni Cristine na pumayag maging nanay ng mga teenager.
Wish naming maging hit ang movie kahit pa nga may mga nang-iintrigang ‘ginamit’ ni Baron ang usaping nagkaroon na siya ng anak sa isang artista 18 years ago.