MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA at memorable ang naging trip ng celebrity businesswoman at philanthropist, Madam Cecille Bravo sa Singapore kasama ang anak na si Maricris Tria Bravo.
Nagmistulang bonding na rin ito ng mag-ina na nanood ng Eras Tour ni Taylor Swift sa SG.
Ito bale ang kauna-unahang trip sa ibang bansa ng dalawa kaya naman in-enjoy nang husto nina Tita Cecille at Maricris lalo’t first time rin nila makapaood ng concert ni Taylor Swift na ayon sa una ay sobrang galing mag-perform.
Bukod sa panonood ng concert ni Tayor Swift, pinasyalan nina Madam Cecille at Maricris ang ilan sa magagandang lugar sa Singapore. At nang magbalik-‘Pinas, ang concert naman ni Janet Jackson sa Araneta Coliseum last March 14 ang kanilang pinanood.