Ito ang pahayag ni San Juan Mayor Francis Zamora sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa pormal na pagbubukas ng tinaguriang “oldest fastfood chinese restaurant” sa Manila Chinatown na nag branch out na sa San Juan City.
Ang oldest Chinese restaurant na Chuan Kee ay unang itinayo ni Mr. Gerie Chua sa Chinatown Binondo Maynila kung saan sa loob ng 84-taon nang tinatangkilik at pinipilahan hindi lamang ng mga tsinoy kundi maging ng ating mga kababayan na dumarayo sa nasabing lugar.
Dahil dito, naisipan ni Chua na magtayo ng panibayong branch nito para sa mga naninirahan sa Eastern District ng Metro Manila.
Ang nasabing oldest fastfood Chinese resto na dinarayo sa Chinatown ay dinarayo rin dahil sa masarap at masustansyang pagkain at soup na mayroong “Chinese medicinal herbs” and spices.
Ang bagong branch ng Chuan Kee ay makakabili rin ng sikat na “Hopia Ube at iba png produkto ng Eng Bee Tin at ito ay matataguan sa kanto ng San Luis at F.Blumentrit sts San Juan City.
Kaugnay nito, Malugod naman na binati at pinasalamatan ni San Juan City Mayor Zamora si Gerrie Chua at panilya nito sa pagbubukas ng bagong branch ng “Alamat na Binondo Chinese restaurant” sa San Juan.
Sa malaking area ng bagong branch ng Chuan Kee Restaurant sa San Juan ay tiyak na masisiyahan ang bawat isa sa masarap at masustansya Chinese food na ang presyo ay abot-kaya ng bawat isa. (BRIAN BILASANO)