Tuesday , April 22 2025

P19.5-M ‘damo’ nasabat sa MICP

031224 Hataw Frontpage

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang  P15 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana o damo  sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila noong Huwebes.

Batay sa report ng PDEA, nakatanggap ng ‘tip’ ang Customs Intelligence Service ng MICP kaugnay ng dalawang balikbayan box na darating sa Container Freight Station 3 na sinasabing ‘misdeclared’ at naglalaman ng ilegal na droga.

Agad nag-isyu ng alert order sa examination area at isinailalim ang shipment sa physical examinations.

Sa loob ng balikbayan box ay nakita ang isang container drum na pinagtaguan ng dried marijuana leaves  na may timbang na 13 kilos at may estimated value na P15,600,000.

Nakasuksok naman sa mga bedsheets/beddings  ang tatlong kilo ng dried marijuana leaves na  may  tinatayang halagang P3,600,000.

Nakita rin ang tatlong piraso ng karton ng cereals na may nakatagong 250 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P300,000.

Magugunitang una nang nakasabat ang BoC at PDEA ng karton-kartong marijuana at iba pang  droga na tinatayang nasa mahigit P14 milyon ang halaga sa Port of Manila. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …