Wednesday , December 4 2024
riding in tandem dead

Tulak itinumba ng  tandem

PATAY ang isang hinihinalang ‘tulak’ nang pagbabarilin ng  riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa  Quezon City.

Kinilala ang biktima na si  Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, residente sa Brgy. Baesa, may mga  tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Christian Loyola ng  QCPD-CIDU,  na nangyari ang  krimen dakong 9:00 pm sa harap ng gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., Brgy. Baesa, Quezon City. 

Ayon sa saksi, nakarinig siya ng  magkakasunod na putok ng baril hanggang makita niyang duguang nakabulagta ang biktima.

Nakasamsam sa crime scene ang SOCO Team sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Jabel ng dalawang basyo ng bala ng baril at isang  plastic sachet ng shabu.

Sinisiyasat ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Rommel Sales

Check Also

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …

Christmas by the Lake Taguig Cayetano

Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon

NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …

2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Naaresto ang dalawang drug personalities sa ikinasang buybust operation ng …

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

P1.3-M ismagel na yosi nasabat sa checkpoint

SA PUSPUSAN at maigting na pagpapatupad ng 24/7 checkpoints sa lahat ng panig ng Gitnang …