MATABIL
ni John Fontanilla
PUNOMPUNO ng pagmamahal ang naging mensahe ng award winning actress na si Sylvia Sanchez sa kaarawan ng kanyang daughter in law na si Maine Mendoza kamakailan.
Ibinahagi nito sa kanyang Facebook ang ilang litrato na kuha sa birthday celebration ni Maine kasama ang kanyang pamilya Atayde at Mendoza na may caption na, “Maine nak, It’s your first birthday with us as Mrs Atayde at Sobrang saya talaga that we all spent it together with the Mendoza family. Masaya ako at masaya ang pamilya natin pagmagkasama.”
Sobrang saya nga ni Sylvia sa muling pagsasama ng kanyang pamilya at pamilya Mendoza sa kaarawan ni Maine.