I-FLEX
ni Jun Nardo
HUWAG gawing dahilan ni Kelvin Miranda ang pagtago sa kanyang nerbiyos kaya siya ngumunguya ng bubble gang habang nasa stage para sa premiere ng movie niya with Beauty Gonzalez.
Tinuligsa kasi ang pagnguya ni Kelvin ng chewing gum sa harap ng taong pumunta sa premiere. Daig pa niya ang kambing na kumakain ng damo, huh!
Dinepensahan ni Kelvin ang ginawa.
Pagtago raw ito sa nerbiyos niya dahil first time nangyari ito sa kanya, huh! Artista siya kaya alam niya ang dapat gawin sa harap ng tao, huh.
Besides, mahalaga ang manners lalo sa gaya niyang celebrity dahil hindi ito napupulot sa kalye.
Hay naku, Miss Ed! Turuan mo nga ‘yan!