MATABIL
ni John Fontanilla
SA wakas, maipalalabas na sa February 28 sa mga sinehan nationwide ang pelikulang The Buy Bust Queen na pinagbibidahan ni Phoebe Walker.
Ani Phoebe, dumaan siya sa matinding sa training para maging makatotohan ang role na kanyang ginagampan. Ito bale ang pangalawang action movie ni Phoebe, ang una ay ang Double Barrelkinakitaan siya ng husay sa mga action scene. Kaya naman sa The Buy Bust Queen, mas matitinding action scene ang ginawa ng aktres.
Makakasama niya sa pelikula sina Ritz Azul, Maxine Medina, Ervic Vijandre, Alex Medina, Jeric Raval, Jeffrey Santos, Christian Vasquez, Dindo Arroyo, Ricardo Cepeda, Ayeesha Cervantes with special participation of PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva (as himself).
Ito ay mula sa direksiyon ni JR Olinares hatid ng Pinoyflix Films and Entertainment Production in cooperation with Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).