I-FLEX
ni Jun Nardo
ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay isang actress-host habang ang lalaki ay produkto ng isang talent search. Kapwa sila sa isang network.
Lapitin ng mga bading si boy bago pa man siya pumasok sa showbiz. Pero hindi dahilan ito para kalasan ng actress-host ang BF.
‘Yun nga lang, ‘pag nabubuwisit na si boyfriend sa kaka-nag nito, distansiya muna ang aktor sa karelasyon.
Ang panakot ni girl kapag lumalayo ang boyfriend, magpapakamatay siya.
Emotional blackmail, huh!
Pero deadma lang si boyfie. Sige lang siya sa kalalandi sa mga accla, huh! ‘Yun ang ikinabubuwisit ni girl.
Ngayon, maayos uli ang relasyon ng dalawa pero kapag nabiwisit si aktor, babu muna siya at magpapahinga sa ibang kandungan.