I-FLEX
ni Jun Nardo
BUSINESSMAN at hindi politician ang lalaki sa buhay ngayon ng vlogger-actress na si Ivana Alawi.
Ito ang deklarasyon ni Ivana para tapusin na ang inili-link na si Bacolod City Mayor Albee Benitez dahil naging viral ang photo nilang nakita sa isang airport.
Ayon pa sa pahayag ni Ivana sa inilabas niyang statement, na-meet lang niya si Mayor Albee noong nagkaroon siya ng show sa Bacolod.
Ayaw na sanang patulan ni Ivana ang issue pero nadadamay ang kanyang ina at kapatid sa maaanghang na komento ng netizens.
Ang pahayag ni Ivana ang una’t huli niyang pahayag tungkol sa pagdawit niya sa pangalan ni Mayor Albee.