Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bernie Ang Manila

Sa loob ng isang taon
MAYNILA POSIBLENG MAGING PH TOP TOURIST DESTINATION

NANINIWALA si Manila City Administrator Bernardito “Bernie” Ang, posibleng maging top tourist  destination ng bansa ang Maynila.

Inihayag ito ni Ang sa MACHRA Balitaan sa Harbor View forum ng Manila City Hall Reporters’ Association, nang kanyang inilatag sa mga mamamahayag  ang planned activities ng local government para sa  celebration ng Chinese New Year kasabay ng

Manila Chinatown’s 430th anniversary.

Ayon kay Ang, inaasahang daragsain ng milyon katao ang mga kaabang-abang na mga aktibidad tulad ng 12-15 minute colorful fireworks display at grand parade sa Chinatown area.

Nabatid na hands-on si Ang sa pamumuno sa preparasyon para sa nasabing okasyon. Kasama ni Ang sa MACHRA BALITAAN sina Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) President Jefferson Lau at Manila Chinatown Development Council executive director Willord Chua na kapwa nagsabi na ang buong  Chinatown area ay hinihikayat din na makilahok sa selebrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng special discounts, dahil daragsa ang mga tao sa lugar upang maging bahagi ng inihandang activities o kahit maging spectators lamang.

Ayon kay Ang,  ang magaganap na grand fireworks display ay masasaksihan sa bagong Filipino–Chinese Friendship Bridge o Binondo-Intramuros Bridge bisperas ng Chinese New Year.

Bukod sa nakasanayang makulay na lion dance ay magsasagawa rin ng tradisyonal na parade na lalahukan ng 20 floats ng iba’t ibang Chinese-Filipino organizations kasabay ang pamimigay ng red envelopes o “angpao” na pinaniniwalaang magdadala ng suwerte sa nagbigay at tumanggap.

Pahayag ni Chua, may nakalatag nang rerouting scheme at traffic advisory na ilalabas ang  Manila Police District’s traffic  bureau upang gabayan ang mga motorista sa inaasahang pagdagsa ng ating mga kababayan sa Chinatown.

Samantala, ang grand parade ay aarangkadang magsisimula sa Post Office area hanggang sa  Lucky Chinatown.

Sinabi ni Ang sa media forum, lubos ang pasasalamat ni Mayor Maris Sheilah “Honey” Lacuna – Pangan sa Chinese-Filipino community sa Manyila dahil sa boluntaryong pangangasiwa sa mga gastusin sa mga nakalinyang aktibidad nang walang kahit isang sentimong gagastusin ang lokal na pamahalaang lungsod.

Masayang inianunsiyo ni Lau na ang MOBO ang namamahala sa construction ng Pagoda sa Tetuan street na inaasahang daragsain sa Chinatown. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …