I-FLEX
ni Jun Nardo
RATSADA sa paggawa ng movies mula nang maging aktibo itong muli sa paggawa ng pelikula.
After maging Best Picture sa 49th Metro Manila Film Festival at sa 1st Metro international Film Festival sa Amerika ang Firefly, inihahanda ng film outfit ang gagawing movie na Jessica Soho’s Gabi ng Lagim na sinimulang special tuwing All Saint’s Day sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nangangalap na ng nakatatakot at makapanindig balahibong kuwento ang GMA Pictures para isama sa movie. May nakalaang P20K ang mapipiling kuwento na itatampok sa movie.
Subaybayan lang ang social media accounts ng GMA Pictures o KMJS upang doon ibigay ang kakaibang kuwento ng kababalaghan!