Sunday , December 22 2024
Sarmiento QuinonesTable Tennis
IBINIDA nina TATAND honorary president Charlie Lim (kanan) at Philippine cadet top player Khevine Kheith Cruz ang souvenir jersey mula sa Chawi Sports apparel matapos ang awarding ceremony ng 5th FESSAP National Age-Group Championship. (HENRY TALAN VARGAS)

Sarmiento, Quinones kampeon sa Nat’l Table Tennis tilt

PINANGUNAHAN nina National pool member Cate Jazztyne Sarmiento at Kyle Quinones ang mga batang kampeon sa katatapos na 5th FESSAP National Age-Group Table Tennis Championship sa Ayala Malls Cloverleaf Wellness Center.

Ginapi ng 18-anyos na si Sarmiento, pambato ng lipa City, ang karibal na si Ashley Allorde ng PCAF para tanghaling reyna sa 19-under women’s class sa torneo na inorganisa ni dating national champion at coach Julius Esposo sa pakikipagtulungan ng Chawi Sports Center  at Federation of School Sports Association of the Philippines

Nakopo naman ni Quinones ng Adamson University ang korona sa men’s 19-under class nang gapiin ang kasanggang si Sean Arvin Garcia sa torneo na suportado rin ng Chawi Sports Apparel,  Joola Philippines,  Mr. Philip Uy,  Totopol Fishbroker, Vision Quest Optical Clinic and Besttank.

“We are committed to supporting events like the 5th FESSAP National Age-Group Championship organized by Chawi Sports Center and other grassroots programs that promote the development of table tennis at a national level,” pahayag ni Charlie Lim, honorary president ng Table tennis Association for National  Developoment (TATAND).

“These events are not only about competition, but they also serve as a reunion for our community. It is an opportunity for all of us to come together, share our love for the sport, and celebrate our achievements. As we gather to compete, let us not forget that the true essence of these events lies in the joy of playing and the spirit of sportsmanship.,” aniya

Sa iba pang results, kamepon sa 9-undet Girls si Zane Patricia F. Cabalu ng Cabalu Table Tennis Training Center; naiuwi ni Titus Alexander Pachica ng Team PROTTEC  ang 9-under boys title; nanguna sa 11-under (girls) si Liu Shiwen Garcia ng Bulacan; wag isa 11-under (boys) si Gabriel Noche ng Bulacan;

Nangibabaw sa 13-under (girls) si Ma. Mikaela Jopillo ng Bulacan; umarya si Prince Achilles Troy “AKI” D. Maminta ng Spin Master Table Tennis Urdaneta sa boys 13-under; gayundin sa 16-under class; habang hataw sa 16-under girls si Farhana A. Abdul (Ue/Triple Arrow Chanel Team. (HATAW NEWS TEAM)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …