Saturday , November 23 2024
Ruby Ruiz Nicole Kidman Expat
Ruby Ruiz Nicole Kidman Expat

Ruby Ruiz huling-huli ni Nicole Kidman nagsa-Sharon sa shooting ng Expats

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW na aliw kami sa mga kuwento ng magaling na aktres na si Ruby Ruiz. Ito’y ukol sa pagkakasali niya sa serye ng Hollywood star na si Nicole Kidman, ang Expats na napapanood na ngayon sa Prime Video.

Sa solo media conference na ibinigay ng Cornerstone Entertainment kay Ms Ruby, naibahagi ni Ms Ruby na nasa taping siya ng Nina Nino sa Dolorez, Quezon nang makatanggap ng tawag mula sa direktor na si Lulu Wang. Dumaan si Ruby sa tatlong audition, una sa Ingles at ikalawa sa Tagalog. 

“When I got the call, si Maja (Salvador) ang unang nakaalam dahil nga andoon kami sa taping ng Nina Nino (ng Cignal at Cornerstone). Sabi sa akin ni Maja, ‘sino ‘yun tita, sino ‘yun Lola Belen? (karakter na ginagampanan niya sa serye nila). Bakit Ingles-Ingles ka? Mayroon ka bang boyfriend?’ Sabi ko wala. Kaya siya ang unang nakaalam,” unang kuwento ni Ms Ruby.

Nalaman din ng veteran actress mula sa tawag ni direk Lulu Wang na gagampanan niya sa bagong limited series ni Nicole na Expats ang role ni Essie, isang OFW at Pinay yaya ng mga anak ni Nicole kaya madalas at marami silang eksena ng Hollywood actress.

Hindi rin alam ni Ms Ruby noong una na si Nicole ang magbibida sa nasabing serye. “Noon ko rin lang nalaman na si Nicole Kidman ang kasama ko, and pati ‘yung extend ng magiging role ko. Akala ko the usual lang pa-serve-serve lang. Masuwerte na kung mayroong lines.  But still, I’m grateful na nakapasok ako.”

Noong nakarating na siya sa Hong Kong, doon niya lang nabasa at nalaman na napaka-crucial pala ng kanyang gagampanang role bilang nanny. “Talagang kinilabutan ako reading pa lang the script.” 

At nang matanong kung kumusta katrabaho si Nicole, “Bakla rin siya. Natural na natural, taong-tao. She’s very considerate at mararamdaman mo ‘yun. She will try to make you feel at ease. Marami akong anecdotes during first day of shoot. 

“Dati pinagtatabi ‘yung working chair namin. Ayoko umupo roon. Kasi nosebleed pero roon talaga ako pinaupo siguro to establish rapport.

“She’s conscious of that. She would strike up some small conversations to make you feel relaxed. Sabi ko nga noon, ‘What? Pardon?’ Her accent is very Australian. At kapag may hindi ako maintindihan, sasabihin ko, ‘excuse me I will just get something… ganoon, ha ha ha,” pagbabahagi pa ni Ms. Ruby.

Puring-puri ni Ms Ruby ang pagiging mabait ni Nicole. “But she’s very friendly and warm. On the set, naka-standby lang kami. Kapag nakita na niya ako, yayakapin na niya ako. ‘Oh, Ruby’s here!’ Naaaliw siya sa akin hindi ko alam kung bakit?’

“One time tinanong niya ako, ‘What did you do yesterday? It was our free day.’ Parang nabigla ako. Hindi ako prepared. Baka may itanong siya sa akin about the Philippines. ‘So what did you do yesterday?’

“Sabi ko, ‘Ah, I did my laundry.’ Sabi niya, ‘The whole day?’ Sabi ko, ‘Oh yes, I was fascinated by your washing machine here. With one click, it’s already dry.’ So natutuwa siya sa akin sa mga ganoong moment,” nakangiting pagbabahagi pa ni Ms. Ruby.

Pinuri rin ni Ms Ruby ang pagiging generous ng Hollywood actress hindi lang sa kanya kundi maging sa lahat ng production staff.

“Pero hindi ako nagpatalo dahil binigyan ko siya ng pandesal. Mayroon doong eksena na ayaw ng mga bata ‘yung dinner buns. Sabi ko, ‘You want pandesal?’ Sabi ni Nicole, ‘What’s pandesal?’

“Nag-Google sila. Let’s ask Ruby, ‘What’s pandesal?’ I explained it. Sabi ko, ‘You can eat it for breakfast, but you can eat it anytime. It’s like a dinner bun. Sabi niya, ‘Is it sweet?’ Ang dami niyang Q&A (ukol sa pandesal). So nag-order tayo ng pinakamasarap na pandesal. Siyempre hindi naman tayo pahuhuli. Noong natikman nila, gustong-gusto nila.”

Nasabi rin ni Ms Ruby na sa pagiging generous ni Nicole ay may mga regalo siyang natatanggap mula kay Nicole.  

“Rati nagpadala rin siya ng isang kiosk ng bread sa set. Sabi niya, ‘Hey have you tasted it?’ So ikukuha ka ng PA. Sabi ko, ‘I want to line up.’ Doon kasi pag-artista ka, puwede mong iutos lahat. Tagalang lahat ibibigay sa iyo. Alagang-alaga ka nila,” anang veteran actress. 

Pinaka-favorite na eksena naman ni Ms Ruby ang episode 5 na may title na ‘Central HK’ dahil ito ang confrontation scene nila ni Nicole (Margaret). “That’s what I felt the essence or the dilemma of a migrant worker, ‘yung dilemma ni Essie, alin ba ang pipiliin ko, ang sarili ko bang pamilya, babalik ako ng Pilipinas para mas maalagaan ko ang aking mga anak and my apo or to spent the rest of my life with my family which I establish in HK.

“In terms of acting experience ‘yun talaga naranasan ko kung gaano kapowerful ang isang Nicole Kidman, nakatingin lang ako sa mata niya, kuhang-kuha ko, nagpadala lang ako ‘ika nga. Kaya when the people after the premiere in New York we’re congratulating me in that scene, I would always tell them na, ‘no it’s Nicole, it’s really her scene. Ang ginawa ko lang nag-react lang ako sa kanya as a character.’ And everything came out very beautiful.”

Naibahagi rin ni Ms Ruby ang pagsa-Sharon Cuneta niya sa kanilang taping. Ito ‘yung pagbabalot o pag-uuwi ng pagkain. 

“May maliit ako na tote bag na may laman kung ano-ano like candies, chips, chocolates. Lagi niya akong nahuhuli (nagte-takeout). Pero kikindat lang siya.

“Minsan nagpadala siya ng bread, isang kiosk sabi niya sa akin, ‘have you taste it?’ Nakapila ako para kumuha, eh kasi roon pwede mo iutos lahat ‘pag artista ka. Pero ako nag-insist na pumila. Kasi iuuwi ko pa ‘yung iba iuuwi ko sa apartment hahaha. Kapag iniutos ko isa lang nahihiya naman ako hahaha. Kaya ‘yung dala-dala kong gamit pag-uwi punumpuno sa mga na-Sharon.”

Idinagdag pa ni Ms Ruby ang magandang pakikisama sa kanya ni NK. “Noong una niya akong tinawag sa set, dahil pakalat-kalat ako, sabi niya, ‘Hey Ruby! Yes, it’s you!’ Hindi kasi ako makapaniwala. Ang trato kasi nila kapantay ka lang nila. They really treat you equally. I think that’s important for the actors. Sobra ang respect nila.

“Sabi ni Nicole, ‘Thank you for accepting this role. We know that you are an actress in the Philippines.’ Sabi ko sa sarili ko, ‘Di ba dapat ako ang magpasalamat?’ Pero sabi ko, ‘Thank you for the role of Essie. It’s a once-in-a-lifetime experience,” tuluy-tuloy pang pahayag ni Ruby.

Sa 11 months na shooting ni Ms Ruby sa HK at LA natanong ito kung worth it ang talent fee. “Sakto lang. Worth it not monetarily but considering the experience and the amenities that came with the package, sobrang worth it. I would never never experienced a five star service apartment take note, eh sanay naman akong naghuhugas ng plato, pagdating wala akong lilinisin kasi nga service apartment. 

“Lahat everything is provided. Pati nga underwear kung magre-request ka, pati bra, everything. Kaya bilang artista para sa iyo, walang dahilan na dumating ka set ng hindi ka handa. Kasi wala kang irereklamo, wala kang hihingin na hindi ibibigay. Mapa-pagkain. Kaunting ano galaw eme eme ka tatanungin ka agad ng ‘what’s wrong?’ Sobra ang pagbibigay importansiya, kahalagahan para sa isang artista dahil ang trabaho mo is to give your role as an actor,” sabi pa ni Ms. Ruby. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …