ABA, hindi na pagbabalik ng dating TV show kundi politics na sa 2025 ang inilalantad ni Willie Revillame na kalat na ang pahayag sa social media.
Ayon sa reports, ang pagtakbo bilang senador sa mid-term elections sa 2025 ang target ni Kuya Wil, huh.
Sa pahayag pa niya, kinumbinsi na si Willie ni former president Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador. Eh may TV show pa siya’t may kontrata kaya hindi niya pinasok ang politika.
Eh ngayong wala pang kasiguraduhan kung babalik pa sa TV si Willie, handa na siyang makipagbakbakan bilang senador sa 2025, huh.