Sunday , December 22 2024
National Age Group Triathlon NAGT
Ang mga nagkampeon na sina Andrew Kim Remolino sa (men's elite ) at Raven Faith Alcoseba sa (women's elite) sa kanilang pagdating sa finish line sa National Age Group Triathlon noong Linggo sa The Boardwalk, Subic Bay Freeport sa Olongapo City. (HENRY TALAN VARGAS)

National Age Group Triathlon elite category
Mga Cebuano nanguna sa NAGT

SUBIC BAY – Humataw ang mga Cebuano sa elite category ng National Age Group Triathlon (NAGT) sa The Boardwalk, Subic Bay Freeport dito noong Linggo.

Si Andrew Kim Remolino ay nagtala ng 56 minuto at 56 segundo upang angkinin ang gintong medalya sa men’s elite sprint distance division ng 750m swim-20km bike-5km run competition.

Si Matthew Justine Hermosa, mula rin sa Cebu, ay pumangalawa sa oras na 56:57, habang pumangatlo si Joshua Ramos ng Baguio Benguet Triathlon (57:31).

“Nagkaroon ako ng magandang paghahanda para sa torneo na ito, kaya masaya ako sa resulta,” the 23-year-old Remolino, a silver medalist at the 2022 Vietnam SEA Games, said.

Noong nakaraang taon, pumangatlo si Remolino (59:12) sa likod ng Filipino-Spanish na sina Fernando Casares (57:16) at Hermosa (57:34).

Si Casares, isang two-time SEAG gold medalist, ay lumiban sa NAGT ngayong taon habang siya ay kasalukuyang nagsasanay sa Spain.

Samantala, sinabi ni Hermosa na masaya siya kahit pangalawa lang siya kay Remolino, dahil nakapagtala siya ng personal-best time.

“I had expected a close race. I know that Kim is my biggest challenge,” said the 5-foot-11 Hermosa who, together with Kira Ellis, Erika Nicole Burgos and Iñaki Lorbes, won the relay gold medal in aquathlon (500m swim at 2.5km run) sa 2023 Cambodia SEAG.

Dumalo rin si Hermosa sa isang 26-araw na training camp sa Rio Maior Sports Center sa Portugal noong nakaraang taon kasama sina Dayshaun Ramos, Sam Corpuz at Kira Ellis.

Samantala, nagtala si Raven Faith Alcoseba ng 1:03:55 para makuha ang kanyang ikatlong sunod na titulo ng kababaihan Sprint distance elite women sa torneo na inorganisa ng Triathlon Philippines sa pamumuno ni Ramon Marchan sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Nagsumite naman si Burgos ng 1:05:39 para makuha ang silver medal habang nakuha ni Ellis ang bronze medal sa 1:06:16.

“I tried to keep a positive attitude throughout the race. I’m happy to win again,” said the 21-year-old Alcoseba, a third-year civil engineering student at the De La Salle University.

Sa junior elite category, nagtala si Dayshaun Ramos ng 58 minuto at 44 segundo para maibulsa ang gintong medalya sa men’s division. Sina Darell Johnson Bada (1:00:11) at Juan Miguel Tayag (1:01:14) ang nakakuha ng silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.

Nanalo si Janelle Susatra ng Singapore sa women’s title sa 1:07:17, habang pumangalawa si Erin Denise Burgos (1:16:33) na sinundan ni Adrian Ungos (1:19:53).

Ang NAGT, na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at sa taguyod ng FUNtastic Subic Bay, Asian Center for Insulation Philippines, Standard Insurance at Gatorade Philippines – ang official hydration partner.

ay nagsisilbing qualifier para sa 2025 Thailand SEA Games.

Ang event ay bahagi rin ng Triathlon Philippines trials at talent identification para sa Philippine team. (HATAW NEWS TEAM).

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …