I-FLEX
ni Jun Nardo
PAYANIG sa Pasig City ang double celebration na inihanda ni Gladys Reyes para sa 20 years of marriage nila ng asawang si Christopher Roxas at 18th birthday ng anak nilang si Christophe na ginanap sa Glass Gardens.
Bale 31 taon na ang relasyon nina Gladys at Christopher at kung may regret ang actress ayon sa pahayag niya sa media na inimbithan niya eh ‘yung late nagkaroon ng anak.
Sa ngayon, apat ang anak ng dalawa at si Christophe, Star Magic contract ang sorpresang regalo sa kaarawan niya.
Ilan sa stars na dumating para makisaya sa piging ay sina Cludine Barretto, Vice Ganda at iba pa.
Happy, happy anniversary, Gladys and Christopher at happy 18th birthday, Christophe.